Recent Posts

Breaking News

Anti-terror bill sinusuri pa ng legal team ni Duterte

Hindi pa natatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terror Bill para mapirmahan bilang ganap na batas.

Sa kanyang mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi, sinabi ng Pangulo na nire-review pa ng legal team ng MalacaƱang ang enrolled bill.

Pagdating aniya sa kanyang tanggapan ay agad nitong inondorso sa mga abugado ng Palasyo para mapag-aralan ito bago pirmahan o hindi.

“My legal is still reviewing it, automatic yan. Pagdaan sa akin, I endorse it to legal, without even reading it. It’s legal who will return it to me with a recommendation whether I will approve it or not,” anang Pangulo.

Mayroong 30 araw ang Pangulo para pirmahan o i-veto ang Anti-Terror bill , at kung sakaling hindi maaaksiyonan sa loob ng nabanggit na panahon ay awtomatikong magiging batas ito.

Maraming grupo ang tumututol sa nabanggit na enrolled bill, partikular ang mga makakaliwang grupo dahil sa paniwalang sila ang mata-target sa sandaling maging ganap na batas ang Anti-terror bill.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/anti-terror-bill-sinusuri-pa-ng-legal-team-ni-duterte/)

Walang komento