Recent Posts

Breaking News

Angel hindi mayakap, mahagkan ang ama

Hanggang throwback photo na lang ang kayang iposte ni Angel Locsin sa kanilang dalawa ng ama, dahil hindi kayang malapitan, mahawakan o mayakap niiya ang huli.

Nagposte si Angel ng larawan nila ng tatay niya mula sa kanilang bakasyon abroad. Ayon sa message ni Angel, hanggang sa gate lang niya nakakamusta ang kanyang ama.

“Buwan ang pagitan ng huli ko syang mayakap. Kahit hanggang gate lang ang usapan kumustahan namin ngayon. Sana’y ramdam nya ang pagmamahal namin para sa kanya. This post is dedicated to my father and everyone na may minamahal na “high risk”. Maligayang “kakaibang” Father’s day po sa inyo,” sabi ni Angel.

Kahit negative sa COVID-19 si Angel base sa huli niyang test, ayaw pa rin niyang ilagay sa peligro ang buhay ng kanyang ama, kaya tinitiis na lang niya na hindi ito lapitan o yakapin.

Ang daming natutulungan ni Darna, pero hindi niya matulungan ang sarili sa ganitong sitwasyon. (Rey Pumaloy)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/angel-hindi-mayakap-mahagkan-ang-ama/)

Walang komento