Recent Posts

Breaking News

‘Ang Huling El Bimbo’ star inakusahan ng rape

Tumugon na si “Ang Huling El Bimbo” (AHEB) musical actor Boo Gabunada sa paratang ng pang-aabuso sa kanyang ex-girlfriend na si Krystal Kane, pero hindi siya sinuportahan ng mga kapwa niya artista.

Wika sa Instagram TV ni Kane, na bahagi ng “Tabing Ilog: The Musical”, vinideohan ng lalaki ang kanilang pagse-sex kahit walang consent niya.

Sinisita rin umano ni Gabunada ang kanyang mga selfie na gusto niyang i-post habang sila pa.

Sa 2-part apology video, giniit naman ni Boo na hindi siya rapist.

Sinabi rin ng lalaki na bagaman may katotohanan ang mga sinabi ni Kane, may mga “distorted truth” din umano itong binanggit.

Dagdag niya, “na-unlearn” na umano niya ang kanyang controlling behavior, at binanggit na “nang-harass” at “nang-stalk” din naman umano si Kane sa kanya noon.

“I’m sorry I hurt you and there is nothing I can do to make up for it. I know that. I own up to that. You and I have had this conversation before. I’ve been seeing tweets on Twitter saying I’m a rapist. I’m not a rapist,” wika ng aktor sa unang bahagi.

“I’m so sorry. And if this means that people would want to cut ties with me, then I will face the consequences. But if you take anything from this, I am not a rapist,” banggit niya sa ikalawa.

Dismayado ang mga kapwa AHEB cast member ni Boo na sila Bibo Reyes, Gab Pangilinan, Phi Palmos and Tanya Manalang sa pahayag ng aktor.

Sambit ng mga ito, hindi “kinilala” ng lalaki ang mga pagkakamaling ginawa niya at hindi siya “sinserong humingi ng tawad” kay Krystal.

Matatandaang umani ang AHEB ng mga papuri at puna dahil sa paraan ng pagtalakay nito sa ilang isyu gaya ng rape.

Pinalabas ang fundraiser musical, na batay sa mga kanta ng sikat na Pinoy band Eraserheads, noong nakaraang buwan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ang-huling-el-bimbo-star-inakusahan-ng-rape/)

Walang komento