Recent Posts

Breaking News

‘Aling Marie ideal lola’

Ramdam na ramdam ng madla ang galit ng isang ginang sa mga Diehard Duterte Supporter.

Sa kanyang Facebook live, Lunes, pinaulanan ng mura ni Marie Dinglasan ang mga DDS na aniya’y “walang kwentang Pilipino” at magnanakaw ng mga Facebook account ng katulad niyang kritiko ng gobyerno.

Matatandaang nagsulputan nitong weekend ang mga duplicate at blank Facebook account, karamihan ng mga estudyante at alumni ng mga unibersidad sa bansa. Posibleng system glitch ang dahilan nito, ayon sa National Bureau of Investigation

Pinalagan din ni Dinglasan ang nagbanta aniya sa kanyang buhay, at sa buhay ni Elanel Ordidor (alyas Linn Silawan) na isang Taiwan OFW na pinade-deport ng Philippine Overseas Labor Office dahil binatikos ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19 crisis.

Tinuligsa rin niya ang nang-away sa mga beauty queen na tumututol sa Anti-Terrorism Bill, habang ginigiit na hindi siya “dilawan, pula, o puti” at siya’y isa lamang “kayumanggi” o Pilipino.

Viral ang rant ng ginang kaya Top 1 trending siya ngayong Martes ng umaga sa Twitter PH.

Giit pa ng mga netizen, dapat protektahan si Aling Marie — na tinuring na nilang “ideal lola.”



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/aling-marie-ideal-lola/)

Walang komento