Recent Posts

Breaking News

Alessandra de Rossi binuska palit-pangalan ng NAIA

May sey si ‘Kita Kita’ star Alessandra De Rossi ukol sa kagustuhan ng tatlong mambabatas na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“I think pag nagpalit na ng name yung NAIA, mawawala tong covid at gutom ng mga tao,” biro ng aktres sa Twitter ngayong Biyernes ng umaga.

“Promise. Laban! Choz,” sey niya pa.

Natawa ang mga netizen sa pahayag ni Alessandra.

Naghain kasi kamakailan sina presidential son Paolo Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at ACT-CIS Representative Eric Go Yap ng panukalang batas para gawing ‘Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas’ ang ngalan ng naturang airport, na na sinunod sa pinaslang na Senador Ninoy Aquino.

Paliwanag pa ni Duterte, hindi dapat mahaluan ng politika ang pangalan ng nasabing paliparan, kaya marapat lamang na palitan ito kasama na din ang paggamit ng Filipino bilang lengguwahe.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/alessandra-de-rossi-binuska-palit-pangalan-ng-naia/)

Walang komento