Recent Posts

Breaking News

ALAMIN: Mga ruta ng modern jeepney na bubuksan sa Miyerkoles, Biyernes

Simula ngayong Lunes, Hunyo 22, ay muling papayagang makabiyahe ang mga modern jeepney na may mga limitadong ruta, habang nakasailalim sa general community quarantine ang Metro Manila.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, 15 ruta muna ang magbabalik-pasada ngayong Lunes, habang madadagdagan ito ng 9 ruta sa Miyerkoles (Hunyo 24) at 10 pang ruta sa Biyernes (Hunyo 26).

Heto ang mga ruta na papayagan na simula Miyerkoles:

Bagong Silang – SM Fairview
Malanday – Divisoria (M.H. del Pilar)
Parang, Marikina – Cubao
Eastwood, Libis – Capitol Commons
Gasak – Recto (Dagat-dagatan)
PITX – Lawton
Alabang – Zapote
PITX – Nichols
PITX – SM Southmall

Heto naman ang mga magbabalik na ruta simula Biyernes:

Quirino Highway – UP Town Center
SM Fairview – Commonwealth (Regalado Avenue)
Quezon Memorial Circle Loop
Tikling – Binangonan
Antipolo – Pasig (East Bank Road)
Rosario – Pinagbuhatan, Pasig
West Avenue – P. Noval (Del Monte)
Biñan – Balibago (Manila South Road)
Tramo – Sucat
San Isidro – Congressional Junction Dasmariñas

Sa mga nagdaang araw ay tanging mga tren, limitadong bilang ng bus, taxi at TNVS tulad ng Grab lamang ang pinayagan na makabiyahe.

Ayon naman kay LTFRB chairman Martin Delgra, unti-unting papabalikin ang mga public transportation kung saan kasama din umano ang mga lumang jeepney at UV Express sa kanilang plano sa pag-operate muli ng public transport.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/alamin-mga-ruta-ng-modern-jeepney-na-bubuksan-sa-miyerkoles-biyernes/)

Walang komento