Recent Posts

Breaking News

ALAMIN: Mga lugar na naghigpit sa mga LSI, OFW

Matapos umakyat ang mga bagong kaso ng COVID-19 nitong nagdaang linggo, muling naghigpit ang ilang probinsya sa mga pabalik na locally stranded individual at overseas Filipino worker.

Sa ngayon, pansamantalang nagsara (sa ilang lugar o sa buong lalawigan) ang:

Southern Luzon
– Romblon
– Oriental Mindoro
– Quezon

Eastern Visayas

Caraga, Mindanao
– Agusan del Sur
– Agusan del Norte
– Surigao del Sur
– Surigao del Norte
– Dinagat Island
– Butuan City

Samantala, pinalawig ang curfew sa Puerto Princesa City, Palawan mula limang oras patungong siyam (mula alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng umaga).

Sa Iloilo City naman, imbes na home quarantine ay inutos na ang 14-day quarantine sa mga nakatalagang pasilidad para sa mga uuwing OFW at LSI.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/alamin-mga-lugar-na-naghigpit-sa-mga-lsi-ofw/)

Walang komento