Recent Posts

Breaking News

Alak bawal, kasal puwede sa Valenzuela

Kahit hindi pa inaalis ang ‘liquor ban’ sa Valenzuela City, tuloy naman na ang kasalang sibil sa mga magsing-irog.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, tuloy na ang ginagawang kasal na nahinto dahil na rin enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19.

Pero mananatili pa rin ang physical distancing para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Araw ng Biyernes ang pagpapakasal na ginagawa sa Town Center.

Samantala, umapela naman kay Mayor Gatchalian ang mga beer dealer at mga hard drink na i-lift na ang liquor ban sa Valenzuela City.

Maging ang mga nagtitinda ay nakikiusap na rin sa alkalde, dahil sa alak lang kumikita ang kanilang tindahan.

Katuwiran kasi ni Mayor Gatchalian, ibili na lang ng pagkain ang pera na ipambibili ng alak, kaya nananatili ang liquor ban sa lungsod.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/alak-bawal-kasal-puwede-sa-valenzuela/)

Walang komento