Recent Posts

Breaking News

AFP naglunsad ng ‘gardening project’ sa Metro Manila

Para mai-promote ang food security sa bansa, naglunsad ang 7th Civil Relations Group ng Armed Forces of the Philippines ng “Raise to One Million Gardens in NCR” project sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong Lunes.

Ani Maj. Celeste Frank Sayson, unit commander, layon nito na makatulong sa “Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra sa Covid 19 (Alpas Covid-19 ) Plant Plant Plant” program ng Department of Agriculture.

Mahalagang bahagi ang “Raise to One Million Gardens in NCR” ng “Kapwa Ko, Sagot Ko” campaign ng Civil Relations Service para masiguro ang stable na food supply sa Metro Manila.

Hinihikayat ang mga participant na magtanim ng maraming gulay, mga halaman na namumunga ng prutas at herbal o medicinal plant.

Inaasahang magbebenepisyo rito ang nasa 3.5 milyong Pilipino sa Metro Manila.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/afp-naglunsad-ng-gardening-project-sa-metro-manila/)

Walang komento