Recent Posts

Breaking News

600 magsasaka, nabiyayaan ng makinarya

Mahigit sa 600 magsasaka sa Nueva Ecija ang nakatanggap ng machinery at equipment sa ilalim ng P10-bilyong Rice Competitive Enhancement Fund o RCEF.

BInati ni Senadora Cynthia Villar, chair ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, ang mga farmer-beneficiary na ngayon ay mayroon nang kinakailangang gamit upang mapababa ang presyo ng kanilang palay at mapaigi ang kanilang kakayahang makipagkumpitensya sa ibang mga rice supplier.

“Ito po ang ating programa para mapababa ang inyong production cost at mapalaki ang inyong ani nang sa ganoon lumaki ang kita sa pagsasaka,” ani Villar sa kanyang video message.

Ang mga farmer-beneficiary ay nakatanggap ng 31 four-wheel tractor, 13 rice combine harvester at 2 riding-type mechanical transplanter.

Sabi ng senadora, ang mga farm machinery na nilaan sa Nueva Ecija ay kabilang sa mechanization budget para sa 2019.

Sa ilalim ng Republic Act 11203, 5 bilyong pisong halaga ng agri-machinery ang ipapamahagi sa 947 na mga rice producing town sa Pilipinas.

Kada bayan ay makakatanggap ng mga makinarya mula 2019 hanggang 2024.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/600-magsasaka-nabiyayaan-ng-makinarya/)

Walang komento