Recent Posts

Breaking News

6 doktor sa Iloilo COVID-positive

Inanunsiyo kahapon ni Iloilo City mayor Jerry Treñas na may anim na doktor sa isang ospital sa lungsod ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

Sa Facebook, sinaad niya na ito ang lumabas sa resulta ng kanilang RT-PCR test o ang gold standard sa virus testing.

Noong una’y ‘di niya binanggit ang ngalan ng ospital ngunit sa sumunod na post ay tinukoy ang St. Paul’s Hospital.

“I have coordinated with the medical director and they are doing all the necessary protocols to ensure the safety of everyone,” wika ng alkalde.

“St Paul’s Hospital adminstation is currently coordinating with the regional iatf and following all protocols and decisions of the regional IATF,” aniya pa.

Sinabi rin ng alkalde na parehong nagsasagawa ng contact tracing ang hospital administration at ang city health office.

Sa ngayon, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health, 3,360 medical frontliner na sa bansa ang tinamaan habang 33 iba pa ang ginupo ng COVID-19.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/6-doktor-sa-iloilo-covid-positive/)

Walang komento