Recent Posts

Breaking News

400 pang empleyado ng Victory Liner namimiligro

OLONGAPO CITY – Nanawagan si Victory Liner Inc. Branch Manager Pocholo Galian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maisalba ang posibleng pagkasibak ng daan-daan pa nilang mga empleyado bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Ayon kay Galian, aabot sa 400 empleyado ang nakatakdang masibak sakaling hindi ikunsidera ng LTFRB ang kanilang apela na mabigyan ng “Special Permit “ to operate.

Tinukoy ni Galian na mas pinaboran ng LTFRB na bigyan ng special permit ang mga kooperatiba ng mga mini-buses sa halip na maghati-hati para sa Public Utility Buses (PUB)na tulad nila ay halos 40 taong nagseserbisyo sa publiko at may prangkisa.

Umaasa si Galian na ikunsidera ng Duterte administration at Department of Transportation (DOTr) ang kanilang apel n paghahati-hatian ang special permit upang mabawasan ang masisibak na mga empleyado.

Kabilang sa mga apektado ay mga driver, konduktor, office workers, supervisors at marami pang iba na karamihan ay nag-serbisyo na sa Victory Liner sa loob ng 40 taon na.

Partikular na maaapektuhan ay mga empleyadong rumuruta sa mga lalawigan ng Bataan, Zambales at Olongapo City base sa huling desisyon ng LTFRB.

Samantala, matatandaang una nang napagdesisyunan ng pamunuan ng VLI ang pagsibak sa 900 empleyado nito dahil sa epekto ng pandemyang COVID-19.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/400-pang-empleyado-ng-victory-liner-namimiligro/)

Walang komento