Recent Posts

Breaking News

4 na hinihinalang terorista, todas

Patay ang apat katao kabilang ang mag-asawang pinaghihinalaang terorista sa ikinasang joint search operation ng pulis at militar sa Parañaque, Biyernes ng madaling araw.

Sa isang statement, kinumpirma ng Philippine National Police ang operasyon laban kay Bensaudi Sali at sa asawa nitong si Merhama Abdul Sawari sa Better Living Subdivision ng nabatid na lungsod habang napatay rin ang dalawa pang kasama sa bahay na nakilalang sina Rasmin Hussin at Jamal Kalliming.

Ang dalawang suspected terrorists ay iniugnay ng mga awtoridad sa bomb expert na si Mundi Sawadjaan.

Batay sa ulat, nakipagbarilan umano ang mag-asawa sa mga pulis at sundalo habang ipinatutupad ang search warrant na ikinasugat din ng isang pulis na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa makabilang hita.

Sinasabing sina Sali at Sawari ang financial conduit o facilitator ng pondo sa Daesh-East Asia dahil sa kanilang koneksyon sa bomb expert na si Sawadjaan.

Nagpaplano umano ang mga suspek ng terrorist activities na dahilan ng kanilang presensya sa Parañaque at sangkot din sa illegal firearms transaction.

Samantala, patuloy pa ring kinukumpirma ng awtoridad kung terorista din ang dalawang napatay na sina Hussin at Kaliming dahil ang mga ito ay nagtatrabaho bilang security guard sa mga pribadong establisimento sa lungsod.

Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang dalawang watawat ng ISIS, mga baril, granada, blasting caps at improvised firing device.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/4-na-hinihinalang-terorista-todas/)

Walang komento