Recent Posts

Breaking News

4 estranghero bibigyang-bahay ni Marcelito Pomoy

Tuloy-tuloy ang pagpapagawa ng bahay ni singer Marcelito Pomoy para sa mga nangangailangang kababayan.

Wika niya, naranasan din niyang maging palaboy kaya kailangan niya ring tumulong ngayon sa tao.

“Kasi na-realize ko, noong bata ako wala rin akong saktong tirahan, kumbaga isa rin akong palaboy, kung saan-saan ako nakatira. Kaya kapag [naalala] ko ang nakaraan, hindi ko maipaliwanag, kailangan kong tumulong sa tao. Para maiparamdam ko man lang kung ano ang narating ko ngayon ay maibalik ko sa kanila,” wika ni Pomoy sa “Magandang Buhay,” Huwebes.

Nalaman umano ni Pomoy sa Facebook ang lagay ni Aurora Verona, na namumuhay mag-isa, kaya naisipan niyang pagawan ang lola ng maliit na kubo gawa sa kawayan at pawid.

“Yung bahay ni nanay kasi ‘yan ang una. Pero ngayon may ginawa kami halos pangatlo na, may pang-apat pa na ginawa namin,” dagdag niya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/4-estranghero-bibigyang-bahay-ni-marcelito-pomoy1/)

Walang komento