Recent Posts

Breaking News

3.6K kaso ng domestic abuse naitala sa COVID lockdown – Duterte

Mula nang isailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon noong Marso, higit 3,600 kaso na ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan ang sinumbong sa mga awtoridad.

Binanggit ni President Rodrigo Duterte sa kanyang 11th report sa Kongreso, Lunes, na as of June 4, 2020, nagtala na ang PNP ng 1,945 kaso ng violence against women at 1,745 kaso ng violence against children.

Nakikipagtulungan na aniya ang PNP Women and Children Protection Desks sa mga LGU para protektahan ang kapakanan ng kababaihan at kabataan.

Ayon pa sa ulat ng Pangulo, tinutugunan na rin ng Philippine Commission on Women, sa pamamagitan ng Inter-Agency Council on Violence Against Women at Children Secretariat nito, ang mga natatanggap nilang sumbong online.

Una nang naglabas ang Commission on Human Rights ng listahan ng mga contact number na nakatutok sa pagtugon sa domestic at child abuse, maging sa mga gender-based violence.

ALAMIN: Mga pwedeng tawagan ukol sa abuso sa tahanan



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/3-6k-kaso-ng-domestic-abuse-naitala-sa-covid-lockdown-duterte/)

Walang komento