Recent Posts

Breaking News

3 Senate employee sapul ng COVID, Senado ila-lockdown!

Pinag-aaralan ngayon ng Senado ang pagsasailalim sa 14-araw na lockdown matapos makapagtala ng tatlong kaso ng ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng ilan sa mga empleyado.

Ayon sa source ng ABANTE, tatlo sa 24 empleyado na nag-positibo sa rapid test noong Mayo ang napag-alaman nag-positibo matapos lumabas kamakilan ang resulta ng isinagawang swab test.

“Iyong dalawang employee last week pa nalaman na nagpositibo yung swab test sa kanila, then yung latest this Monday lang,” pahayag ng source ng Abante, na isang ring empleyado ng Senado subalit hindi nagpabanggit ng pangalan.

Sa tatlong nagpositibo, dalawa sa mga ito ay lalaki na nakatalaga sa budget department na matatagpuan sa fourth floor ng Senado habang ang isa ay naka-assign sa Legislative Bill and Index Services.

“Ang pagkalaalam ko, budget department yung dalawa, yung isa naman sa bill and index,” kuwento ng source ng ABANTE.

“Last nag-positive yung dalawa, magkakasama kasi sila, nagkahawaan. Symptomatic yung isa na taga-budget kaya sinugod sa ospital last week. Naka-intubate na daw ngayon,” lahad pa ng source.

Dahil dito, agad nagpulong ang mga mataas na opisyal ng Senado kung tinalakay umano ang planong pagsasailalim sa 14-araw na lockdown.

“Nag-meeting ang high-ranking officials ng Senado. They’re planning na mag-implement 14-day lockdown,” ayon pa sa source.

Sa pagbabalik ng sesyon ng Senado noong Mayo 4, nagsagawa ng rapid test sa lahat ng empleyado kung saan 18 ang nagpositibo.

Pero paglilinaw ng source, 24 at hindi 18 ang empleyado nagpositibo sa rapid test na isinagawa sa kanila noon.

“It’s not 18, it’s not 14 as earlier reporter. It’s 24 talaga. Lahat sila isinailalim sa swab test after,” sambit pa nito.

Nang madiskubre ang mga nagpositibo sa COVID-19, agad na nagsagawa ng disinfection sa lahat ng tanggapan ng Senado.

Matatandaan na tatlong senador – sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, at Sonny Angara – ay pawang nahawaan ng COVID-19 subalit lahat ay nakarekober.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/3-senate-employee-sapul-ng-covid-senado-ila-lockdown/)

Walang komento