Recent Posts

Breaking News

2,000 displace trike drivers na-hire bilang Grab PH drivers

May 2,000 tricycle driver na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID-19 pandemic ang makikinabang sa “Grab-Manila Socio-economic Recovery Initiative”.

Nabatid na nilagdaan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Grab Philippines ang isang pact na iha-hire nila ang may 2,000 tricycle driver na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

Ang nabanggit na hakbang ay para mabawasan ang economic impact sa mga residente ng Maynila na dala ng COVID-19 pandemic.

Nabatid na ang mga tricycle driver ay maaari silang pumasok sa GrabFood at GrabExpress services.

“This is another day of opportunity delivered by Grab food for the people of Manila. Unti-unti pa lang nating nararamdaman ang epekto ng GCQ. Aside from health, pero also economic,” ayon kay Moreno.

“Dalawa ang matutulungan nito: ang mga trabahante at saka yung mga negosyo. Dun naman sa mga natanggap na at matatanggap pa, pagbutihan po ninyo ang trabaho,” dagdag ng alkalde.

Sa ilalim ng agreement, ang Manila Public Employment Service Office (PESO) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), ang tutulong sa may 2,000 driver sa pagkuha ng kakailanganin na dokumento sa kanilang aplikasyon bilang delivery partners for Grab Philippines.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/2000-displace-trike-drivers-na-hire-bilang-grab-ph-drivers/)

Walang komento