Recent Posts

Breaking News

2,000 bagong abogado nakiisa sa online oath taking

Mahigit sa 2,000 bagong abogado na nakapasa sa 2019 Bar Exam ang nakiisa sa ginanap na kauna-unahang online oath taking, kanina ng alas-2 ng hapon.

Ang online oath taking ay isinagawa sa pamamagitan ng online video conference na nakalink sa government television network para sa broadcast.

Una nang inaprubahan ng Supreme Court En Banc noong Hunyo 09 ,2020 ang resolusyon na isagawa ang oath-taking ceremony ng mga nakapasa sa 2019 Bar Examination sa pamamagitan ng online.

Nabatid na dahil sa dinaranas na COVID-19 pandemic, sinabi ng SC na imposible na maisagawa ang oath taking sa tradisyunal na pamamaraan kaya ikinunsidera ang umiiral na polisiya ng gobyerno sa public health partikular na sa pagbabawal ng mass gathering.

Gayunman, ang online oath taking ay limitado lamang para sa mga nakapasa sa 2019 Bar Examination dahil sa umiiral na krisis sa bansa.

Sa kabila na online ang oath taking ng 2019 bar passer, nakasuot din sila ng maayos na damit nang mag-take oath sa kani-kanilang lugar.

Gayunman, pagkatapos kinakailangan na magpunta rin ang mga abogado sa SC para lumagda sa roll of attorney mula Hulyo 6 hanggang Agosto 3,2020.

Nabatid na binigyan ng awtorisasyon ng SC ang Bar Confidant, sa ilalim ng guidance ni 2019 Bar Chairperson, Senior Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe, na mangasiwa sa kinakailangan aksiyon sa ipinatupad na online oath taking.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/2000-bagong-abogado-nakiisa-sa-online-oath-taking/)

Walang komento