Recent Posts

Breaking News

2 pinatay sa Maynila

Magkasunod na natagpuang patay ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na ang isa ay hinihinalang biktima ng summary execution, kaninang umaga sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Unang natagpuang walang buhay ang isang lalaki sa may OsmeƱa Highway malapit sa San Andres Bukid, mag-aalas 5 ng umaga.

Habang ang ikalawang lalaki ay natagpuang walang buhay 5:39 ng umaga sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Nabatid na ang lalaki ay nakaposas ang kamay sa likurang bahagi ng katawan at may tama ng bala.

Wala naman nakakakilala sa biktima na hinalang dayo lamang sa lugar.

Inaalam naman ng mga imbestigador ng Manila Police District-homicide section, kung may kaugnayan sa isa’t isa ang dalawang pinaslang.

Dinala sa punenarya ang mga biktima para sa safekeeping at awtopsiya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/2-pinatay-sa-maynila/)

Walang komento