Recent Posts

Breaking News

2 hinihinalang drug pushers huli sa pagbebenta ng shabu

Huli sa akto ng anti-drug operations sa pagbebenta ng shabu sa magkahiwalay na lugar ang dalawang lalaking hinihinalang mga drug pushers.

Timbog si Joel Nolasco sa Camarines Sur nang magbenta ito ng shabu sa undercover agent sa Barangay Sta. Rosa Del Norte, Pasacao town bandang alas-9:50 ng gabi.

Nakumpiska ng police operatives ang 26 sachets ng shabu mula sa suspect.
Inaresto naman si Jonathan Toledo sa Catanduanes matapos ang drug buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Gogon Sirangan, Virac town.

Nakuha ng mga pulis ang 19 sachets ng shabu at .38 caliber pistol.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/2-hinihinalang-drug-pushers-huli-sa-pagbebenta-ng-shabu/)

Walang komento