Recent Posts

Breaking News

17 bagong COVID positive sa BGC

Sinailalim sa 2-linggong lockdown ang isang construction site sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ito’y matapos mapag-alamang positibo sa coronavirus disease 2019 ang 17 obrero doon.

Hindi nagbigay ng lokasyon at iba pang detalye ang lokal na gobyerno tungkol sa nasabing construction site para umano maprotektahan ang right to privacy ng mga manggagawa, at maiwasan ang “unnecessary and undue harm” sa mga apektado.

Sa nasabing localized lockdown, na epektibo nitong Martes hanggang sa Hulyo 7, tututukan ang kalusugan at kapakanan ng mga kawani sa quarantine site.

Wika pa ng Taguig Safe City Task Force, walang sinumang papayagang pumasok o umalis ng construction site sa nasabing panahon.

Nakapuwesto ang BGC sa Barangay Fort Bonifacio na as of June 22, mayroon lamang 29 active case.

Dahil sa naitalang 17 bagong kaso, sumampa na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso roon mula 65 patungong 82–ang pinakamarami sa 28 nayon doon.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/17-bagong-covid-positive-sa-bgc/)

Walang komento