Recent Posts

Breaking News

Concert nina Jennylyn at Dennis, ‘dream come true’

MAY naglabasang photos na magkasama sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at John Prats at sa sinabi ni John na “It’s happening! Excited ako dito @mercadojenny X @dennistrillo concert!” alam nang si John ang magdidirek ng concert nina Dennis at Jennylyn billed CoLove Live Concert gaganapin sa New Frontier sa February 15, 2020.

Dennis, Jennylyn, at John

Kung dream come true kina Dennis at Jennylyn na magkaroon ng concert, dream

come true rin sa supporters nila na noon pa nagre-request na magsama sila sa concert. Mas umingay pa ang request nang magkaroon ng vlog si Jennylyn at doon naka-post ang collaboration nila ni Dennis singing songs na favorite nila at favorite ng kanilang fans.

Kaya pinagbigyan nina Dennis at Jennylyn ang kanilang fans at mangyayari na nga ang hinihintay ng lahat na concert ng dalawa and what makes it special ay sa Love Month pa. Kahit sabihing post Valentine’s Day ang concert, ganu’n pa rin ang feel. Hindi lang ang husay sa pagkanta ang gagawin ni Dennis, ipapakita rin ang galing niyang mag-drum at pati nga si Jennylyn, natutong mag-drum sa kanya. Ang ganda siguro kung igi-guest ni Jennylyn ang ama niyang si Noli Pineda na singer noong kabataan niya at naggigitara pa. Ganu’n din ang ama ni Dennis na kumakanta rin.

-Nitz Miralles

Source: Balita.net.ph

Walang komento