Recent Posts

Breaking News

Unang ‘cyber-graduation’ ginawa sa Taguig

Kakaiba ang naging paraan ng Senator Renato Cayetano Memorial Science and Technology High School para maitawid ang kanilang graduation sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Hindi pa rin nawala ang tradisyunal na toga at diploma sa pagtatapos ng mga estudyante, ang kaibahan nga lang, imbes na tao ay robot ang tumanggap ng mga diploma para sa mga graduate.

Gamit ang apat na robot kung saan may nakakabit na monitor sa kanilang ‘ulo’ para mailagay ang mukha ng estudyante, nagawa sa Taguig City ang kauna-unahang ‘cyber-graduation rites nitong Biyernes.

179 estudyante ang nagsipagtapos sa bisa ng cyber-graduation, na parte ng Safe City program ni Taguig Mayor Lino Cayetano.

Ang mga nasabing robot ay gawa ng Taguig City Education Office at Taguig Robotics Team mula sa mga recyclable material.

Ayon kay Taguig City Education head George Tizon, ang nasabing programa ay ang kanilang sagot para mapatupad ang physical distancing sa panahon ng pandemya.

“And this is why they decided to use technology in helping these students celebrate their accomplishment while respecting minimum health standards and without breaking policies that prohibit mass gatherings,” ayon kay Tizon.

Inaasahan na masusundan pa ang cyber-graduation, na balak gawin sa 17,000 pang graduate mula sa mga public school ng Taguig.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/unang-cyber-graduation-ginawa-sa-taguig/)

Walang komento