Recent Posts

Breaking News

Pera ng bansa inaaksaya sa Balik Probinsya Program -Urban planner

Duda si Architect Butch Baliao, Urban Planner na magtatagumpay ang Balik Probinsiya Program dahil hindi ito umano pulido.

Aniya, “Nagdududa ako sa Balik Probinsya Program dahil hindi solid ang foundation. Hindi dapat ito voluntary kasi pwedeng gawing excuse ‘yan na “Ay, ayaw nilang umuwi” kaya hindi nagtagumpay ang proyekto.”

Maihahalintulad umano ito sa isang opresyon at hindi ito ang solusyon para maging maluwag ang NCR.

Dagdag pa niya, “Parang oppression na bubunutin mo sila at dadalhin mo sila kung saan-saan. Isa pa, parte na sila ng ekonomiya ng Metro Manila. Ang solusyon talaga ay urban planning o i-relocate sila saan mang lugar na naaabot ng riles ng tren para ma-decongest ang NCR.”

Ang naturang programa umano ay tila isang paraan ng pag-aaksaya ng pera.

“Hindi ba parang nagsasayang lang ng pondo sa pagpapauwi sa mga kababayan natin sa probinsya na dito na nagtatrabaho? Pabor ako at walang problema kung pinauwi sa probinsya dahil stranded dito o dahil no work, no pay,” ani Baliao.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/pera-ng-bansa-inaaksaya-sa-balik-probinsya-program-urban-planner/)

Walang komento