Recent Posts

Breaking News

NEDA: P1.1T lugi ng ‘Pinas sa lockdown

Aabot sa P1.1 trillion ang nawala sa ekonomiya ng Pilipinas sa agriculture, industry at services sector dahil sa unang 45 araw ng lockdown na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang National Capital Region ang pinakamalubhang tinamaan, kung saan karamihan sa nawala sa 5.6 percent gross domestic product ay mula sa nasabing rehiyon.

Ito’y buhat nang magsimula ang striktong enhanced community quarantine sa Luzon noong Marso kung saan natigil ang galaw ng mga negosyo para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa Metro Manila, tinatayang umabot sa P589.3 billion ang nawala sa ekonomiya, pinakamarami sa services sector na humataw sa P454.8 billion.

Malubha ring tinamaan ang industry sector na P537.7 billion ang loss, samantalang P94.3 billion naman para sa agriculture sector.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/neda-p1-1t-lugi-ng-pinas-sa-lockdown/)

Walang komento