Recent Posts

Breaking News

Michael Jordan sinungaling sa ‘Last Dance’!

Naging mainit na diskusyon ang ESPN documentary na ‘The Last Dance’ matapos ang huling episode nito ngayong linggo.

Nandyan ang pagkainis ng ilang naging kakampi ni Jordan tulad ni Horace Grant, at ang nakakagulat pa ay maging si Scottie Pippen umano ay nabanas kung papaano siya nilarawan sa nasabing documentary.

Ngayon naman ay isa pang intriga ang kinakaharap ni Jordan mula naman sa isang dating journalist para sa Chicago Tribune.

Sa guesting ni Sam Smith sa ‘Bonta, Steiny & Guru’, matapang na sinabi nitong sinungaling umano si Jordan sa nasabing documentary.

Si Smith ay naging tanyang matapos niyang ilabas ang ‘The Jordan Rules’ kung saan nilabas ang ilang ‘kasiraan’ sa career ni Michael tulad ng masamang trato nito sa kanyang mga teammate.

Ayon kay Smith, kasinungalingan umano ang pinapalabas sa dokyu na pizza ang naging dahilan ng ‘Flu Game’ ni Jordan.

“The pizza thing — the poison — that was complete nonsense,” ani Smith. “There were a couple of other things like that I won’t go into. They weren’t major, but the thing at the end was a complete, blatant lie. I know what happened.”

Saad ni Smith, hindi umano pinilit magretiro si Jordan dahil una pa lang ay alam na nito na hindi babalik si Phil Jackson bilang coach ng Bulls dahil minamatyagan na nito noong una pa lang ang Los Angeles Lakers.

Kinausap din umano ni Bulls owner Jerry Reinsdorf si MJ para sa posibilidad ng pagbabalik, ngunit ayon kay Smith ay sinabi ni Jordan na hindi na niya kaya pang buhatin ang koponan.

“Jerry says, ‘You know, it’s a lockout. It might last a while. Just wait, maybe Phil changes his mind. Who knows what’s going on, there’s no hurry,’ ” Smith said. “[Jordan says] ‘No, I’m done, I’m done. I don’t wanna be around these guys anymore. I had to carry us down the stretch. Pippen couldn’t play in Game 6 [of the 1998 Finals] because his back was hurt, he’s limping around. Dennis is crazy.'” kwento ni Smith.

“To come back in ’98 and do what he did and basically walk away when he didn’t have to, and then to pretend that he was the one that wanted to play and they forced him out? Who ever forces Michael Jordan out to do anything? Anyway, such a blatant lie, but hey, that’s part of the mystique of Michael Jordan,” aniya pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/michael-jordan-sinungaling-sa-last-dance/)

Walang komento