Recent Posts

Breaking News

Mga magsasaka umapela sa gobyerno

Umapela si Silvestre Bonto, President, National Confederation of Farmers of the Philippines, na dapat lahat ng magsasaka ay tulungan ng gobyerno.

Hindi naman aniya lahat ng magsasaka ay nabigyan ng cash assistance mula sa social amelioration program (SAP).

Ang ayuda umano na P5,000 mula sa Department of Agriculture (DA) na para lang sa mga may 1 hectare at mas mababa pa na lupain ay hindi makatarungan dahil lahat ng magsasaka ay apektado.

Panawagan niya, “Dapat mabigyan din kami ng ayuda kahit 1 hectare and above ang sinasaka namin dahil naka-quarantine din kami at wala halos kinikita o ani dulot ng COVID.”



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-magsasaka-umapela-sa-gobyerno/)

Walang komento